Home
About
Contact
Full Width CSS
4th Quarter DLL
_Kindergarten DLL
_Grade 1 DLL
_Grade 2 DLL
_Grade 3 DLL
_Grade 4 DLL
_Grade 5 DLL
_Grade 6 DLL
_Grade 7 DLL
Home
Reviewer
Interactive NAT Grade 10 Reviewer (Araling Panlipunan) Part 4
Interactive NAT Grade 10 Reviewer (Araling Panlipunan) Part 4
Admin
1➤
Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
2➤
Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
3➤
Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
Magna Carta ng 1215
Universal Declaration of Human Rights
4➤
Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
mamamayan ng Pilipinas
nakatapos ng hayskul/sekondarya
labing-walong taong gulang pataas
nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.
5➤
Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
Civil Society
Grassroots Organizations
Non-Governmental Organizations
People’s Organizations
6➤
Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
7➤
Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindinagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
8➤
Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
9➤
Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.
10➤
Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
Funding-Agency NGOs
Grassroot Support Organizations
Non-Governmental Organizations
People’s Organizations
11➤
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?
Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
12➤
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran
Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung pangkapaligiran.
Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.
13➤
Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban angkarapatang pantao at kabutihang panlahat.
14➤
Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?
mas maraming sasali sa civil society
mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan
15➤
Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
apagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa
16➤
Ito ay non-governmental organization. Ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo.
Free Legal Assistance Group (FLAG)
Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)
Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)
KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights
17➤
Ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to curse the darkness.”
Human Rights Action Center (HRAC)
Amnesty International
Asian Human Rights Commission (AHRC)
African Commission on Human and People’s Rights
18➤
Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pag-sasakatuparan nito sa buong Asya.
Human Rights Action Center (HRAC)
Amnesty International
Asian Human Rights Commission (AHRC)
African Commission on Human and People’s Rights
19➤
Itinatag ito ni Jack Healey na isang kilalang human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong daigdig.
Human Rights Action Center (HRAC)
Amnesty International
Asian Human Rights Commission (AHRC
African Commission on Human and People’s Rights
20➤
Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.
PO’s
NGO’s
FUNDANGO
DJANGO
21➤
Bakit kailangang matiyak ng isang tao ang ligalidad ng kaniyang pagkamamamayan sa isang bansa?
Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
22➤
Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?
Magpapatupad ng mga mabibigat na parusa upang mapasunod ang nasasakupan.
Hihikayatin ang mga mamamayan na maging maging produktibo at makiisa sa mga produktibong gawain.
Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa lugar.
Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan upang may mapagkakitaan ang mga mamamayan.
23➤
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong pagtatanggol sa karapatan pantaong patungkol sa isyung pang-ekonomiya?
Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon upang mapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho.
Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang makamit ang promosyon.
Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng pagiging ligal ang paraan ng pagkuha ng trabaho.
Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan
24➤
Ano ang taglay ng isang bansang may mamamayang aktibo at malayang nagtatanggol sa kanilang karapatang pantao?
Taglay ng bansang ito ang mamamayang may karahasan sa lipunan dahil sa pagiging aktibo sa lipunan.
Taglay ng bansang ito ang mamamayang may hangaring kontrolin ang pamahalaan.
Taglay ng bansang ito ang mamamayang may mataas na pagpapahalaga sa sarili at katarungang panlahat.
Taglay ng bansang ito ang mamamayang patuloy na naghahangad na mahigitan ang karapatan ng pamaha-laang mangasiwa sa bansa.
25➤
Ang sumusunod ay mga mabuting dulot ng paglahok sa civil society MALIBAN sa isa.
Mas nagiging mulat ang mamamayan sa kalagayan ng lipunan.
Naipararating natin ang ating mga hinaing at pangangailangan sa pamahalaan.
Nabibigyang pansin ang kapakanan ng iba’t ibang pangkat sa ating lipunan.
Maaaring palitan ng civil society ang ating pamahalaan kung ang huli ay naging mapang-abuso.
26➤
Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala?
Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito.
Ang dalawang ito lamang ang mahalagang element upang magkaroon ng isang participatory governance.
Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang mabuting pamahalaan.
Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang transparency at accountability.
27➤
Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad?
Nabibigyan nang higit na kapangyarihan ang mamamayan upang tuwirang mangasiwa.
Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga karampatang solusyon sa hamon ng lipunan.
Binibigyang-diin nito ang “elitist democracy” kung saan nagmumula ang pasya sa mga opisyal
Binibigyang-diin nito ang “classical democracy” kung saan nagmumula ang pasya sa mga opisyal
28➤
Basahin at unawain ang talata: Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan, tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan: naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan Ang talata na iyong binasa ay halaw mula sa bagong version ng Panatang Makabayan. Anong katangian ng isang mamamayang Pilipino ang inilalarawan dito?
produktibo
makatao
mapanagutan
malikhain
29➤
Bakit kailangang matiyak ng isang tao ang ligalidad ng kaniyang pagkamamamayan sa isang bansa?
Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
30➤
Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?
Magpapatupad ng mga mabibigat na parusa upang mapasunod ang nasasakupan.
Hihikayatin ang mga mamamayan na maging maging produktibo at makiisa sa mga produktibong gawain.
Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa lugar.
Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan upang may mapagkakitaan ang mga mamamayan.
Submit
Your score is
Post a Comment
0 Comments
DEPED Calendar of Activities
Featured Post
Quarter 4 DLL
DAILY LESSON LOGS (WEEK 1- Q4) FEBRUARY 10-14, 2025, FREE DOWNLOAD
Admin
February 09, 2025
K-12 Daily Lesson Logs (DLL’S) are useful and vital resource of our K-12 Teachers. Ba…
Popular Downloads
4Q Kindergarten DLL
4Q Grade 1 DLL
4Q Grade 2 DLL
4Q Grade 3 DLL
4Q Grade 4 DLL
4Q Grade 5 DLL
4Q Grade 6 DLL
4Q Grade 7 DLL
Popular Posts
Grade 1 National Mathematics Program (NMP) Lesson Scripts (Q1: Week 1), Free Download
August 03, 2024
MATHEMATICS 7-10 DLL Compilation (3rd Quarter)
February 08, 2023
DAILY LESSON LOGS (WEEK 1- Q4) FEBRUARY 10-14, 2025, FREE DOWNLOAD
February 09, 2025
Categories
#walangpasok
Enhanced Teacher Induction Program (TIP) Course Books
Forms
Home Visitation Form
Individual Learner's Record
MATATAG Lesson Exemplars
Microsoft 365
NAT Grade 10
NAT Grade 6
Powerpoint Presentations
Quarter 1 DLL
Quarter 1 Daily Lesson Log
Reading Materials
Summative Tests
Teaching Guides
e-Class REcord
0 Comments