Full Width CSS

Interactive NAT Grade 10 Reviewer (Filipino) Part 1

1➤ Isang natatanging kwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyosa o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.

2➤ Elemento ng mitolohiya na tumutukoy sa mga diyos o diyosa na may taglay na kapangyarihan.

3➤ Tumatalakay sa mga sumusunod: kapana-panabik na aksiyon o tunggalian, sa mga suliranin at paano ito malulutas, pagpapakita ng ugnayan ng tao sa mga diyos at diyosa at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig.

4➤ Ito ay may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.

5➤ Ang elementong ito ay nakatuon sa pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag- uugali ng tao, paniniwalang panrelihiyon, katangian at kahinaan ng tauhan, at mga aral sa buhay.

6➤ Siya ang tinaguriang diyos ng kulog at kidlat.

7➤ Ang anak na lalaki ng magsasaka ay si _________.

8➤ Isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng kanyang ulo at buntot.

9➤ Ano ang ibang salita na maiuugnay sa salitang mata?

10➤ Ang nanalo sa paligsahang nilahukan nina Loki at Logi ay ___.

11➤ Ito ay pag-aaral ng kasaysayan ng wika at pinag-ugatan ng mga salita.

12➤ Anong parusa ang ipinataw ng Prinsipe kay Romeo dahil sa pagpatay niya kay Tybalt?

13➤ Sila ang mga tauhan sa dulang naglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.

14➤ Sa aling relihiyon nabibilang sina Romeo at Juliet?

15➤ Aling pangyayari ang kasukdulan ng dula?

16➤ Bakit ayaw pakasalan ni Juliet si Paris?

17➤ Ito ay akdang pampanitikan na nahahati sa yugto at maraming tagpo na karaniwang itinatanghal sa isang tanghalan o entablado.

18➤ Ito ay anyo ng dula na kadalasang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o kabiguan.

19➤ Alin sa mga sumusunod ang pangunahing tema sa dula?

20➤ Ito ay pagsusuri o rebuy sa binasang akda o teksto?

21➤ Ang mga sumusunod ay mga element ng isang suring-basa, maliban sa ____.

22➤ Isa ito sa mga elemento ng suring-basa na tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa loob ng 5-6 na pangungusap kung ang akda ay maikling kuwento na _____________.

23➤ Ito ay teoryang pampanitikan na tumatalakay sa mga nasaksihan ng may-akda sa tunay na buhay.

24➤ Ito ay teoryang pampanitikan na tumatalakay sa kinahinatnan ng pangyayari sa buhay ng tao ay bunga ng kultura at heredity.

25➤ Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang umiikot sa teoryang naturalismo?

26➤ Sino ang may-akda ng “Ang Matanda at ang Dagat?

27➤ Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng matibay at epektibong pananaw ukol sa akda.

28➤ Pagsusuring pampanitikan tulad ng tula, sanaysay, o iba pang uri ng sanaysay.

29➤ Ito ay nagpapakita o nagpapalutang na ang naganap o mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan ay bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang isa sa dahilan sa pag-iral ng tao sa mundo ay para hubugin ang sarili niyang kapalaran.

30➤ Ito ay tumutukoy kung paano naimpluwensiyahan ang pag-iisip o damdamin ng mambabasa.

Your score is

Post a Comment

0 Comments