Home
About
Contact
Full Width CSS
Daily Lesson Log
Lesson Exemplars (LE)
_Kindergarten LE
_Grade 1 LE
_Grad 4 LE
_Grade 7 LE
National Mathematics Program
Learning Activity Sheets
News and Updates
Home
Reviewer
Interactive NAT Grade 10 Reviewer (Filipino) Part 3
Interactive NAT Grade 10 Reviewer (Filipino) Part 3
Admin
June 25, 2023
1➤
Ano ang ikalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal para sa bansang Pilipinas?
Barlaan at Josapat
Doctrina Christiana
El Filibusterismo
Noli Me Tangere
2➤
Kailan sinimulang isulat ni Rizal Ang nobelang El Filibusterismo?
Agosto 6, 1891
Marso 29, 1891
Oktubre 1887
Setyembre 18, 1891
3➤
Sa aling mga lugar niya naisulat ang nobelang El Filibusterismo?
Calamba, Paris, Madrid, Biarritz
Calamba, Esapanya,Laguna, Brazil
Calamba, Hongkong, Paris, Biarritz
Calamba, Ghent Belgium, Madrid, Paris
4➤
Ano ang ibig sabihin ng EL FILIBUSTERISMO?
Ang paghahari ng kasakiman
ng paghahari ng Kristiyanos
Ang paghahari ng mga Pilipino
Ang paghahari ng mga Pari
5➤
Tungkol saan ang nobelang El Filibusterismo ni Rizal?
Pampulitika
Panlipunan
Pantahanan
Pangkabuhayan
6➤
Ano ang layunin ni Rizal sa pagsulat niya sa nobelang El Filibusterismo?
Magising at mag-alsa
Pagbabago
Paghimok
Pakikiisa
7➤
Ayon sa salaysay, kailan at saan nailimbag ang nobelang El Fili ni Rizal?
Agosto 6, 1891 sa Calamba, Laguna
Marso 29, 1891 sa Paris
Oktubre 1887 sa Madrid
Setyembre 18, 1891 sa Ghent Belgium
8➤
Sino ang nagpahiram kay Rizal ng pera para mailimbag niya ang pangalawa niyang nobela?
Blumenttrit
Jose Maria Basa
Nellie Boustead
Valentin Ventura
9➤
Para kanino inialay ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismo?
BURGOMZA
GOMBURZA
GOMZAMBUR
GOMZAMBUR
10➤
Bakit nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888?
Dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
Dahil inuusig siya ng pamahalaang kastila
Dahil kailangan niyang tapusin sa ibang bansa ang manuskrito
Dahil sa mga pagbabanta ng mga nasa katungkulan
11➤
Sinu-sino ang tatlong paring martir na pinag-alayan ni Rizal ng kaniyang aklat El Filibusterismo?
Burdeos, Gomez, Zamora
Gomez, Burgos, Zamora
Gomez, Burlasa, Zamonte
Zamora, Golez, Blumenttrit
12➤
Sino ang kasintahan ni Rizal na ipinakasal sa ibang lalaki ng kaniyang mga magulang habang nasa ibang bansa siya.
Josephine Braken
Leonor Rivera
Maria Asuncion Rivera
Wala sa mga nabanggit
13➤
Ano ang kalagayan ng Pilipinas nang isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?
Maunlad at mapayapang namumuhay ang mga Pilipino.
Maayos ang pamamalakad sa pamahalaan
Nasa ilalim ng pananakop/pamamahala ng mga Kastila.
Nasa ilalim ng pamamahala ng mga Hapon.
14➤
Ano ang isa sa mga lihim ni Simoun na nalaman ni Basilio nang magkita sila sa gubat?
Na si Ibarra ay patay na
Na si Ibarra at Simoun ay iisa.
Nabatid ni Basilio ang balak niyang paghihiganti
Na hindi si Elias ang nakalibing sa gubat.
15➤
Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio para pangalagaan ang kaniyang lihim, maliban sa isa?
Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio.
Kailangan ni Simoun ang kabataag tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik.
May mga utang na loob si Basilio kay Simoun tulad ng pagkapagamot sa kaniyang inang si Sisa.
Si Basilio ay mayaman at hindi na pagkakainteresan nito ang kaniyang lihim.
16➤
Bakit hindi nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Henerel?
Dahil hindi siya magaling na tirador
Dahil kulang siya sa ensayo
Hindi siya kampanti mamaril pag may kasama
Dahil may kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon.
17➤
Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral?
Ang paglalangis/pangungurakot sa may kapangyarihan
Ang pagiging diyos-diyosan sa kanilang kapangyarihan
Lahat kaya nilang gawin dahil sa kapangyarihan
Hindi lahat ng tao ay kanilang napasusunod.
18➤
Bilang kabataan, paano ka makakatulong sa pag-unlad ng iyong sariling bayan?
Pagbutihin ko ang aking pag-aaral para magkaroon ng trabaho at hindi makadagdag sa problema sa kahirapan.
Susundin ko ang gusto ng pamahalaan kahit na ito’y hindi na maktarungan.
Tatahimik na lang kahit nalabag pa ang karapatang pantao para walang gulo.
Umasa sa tulong ng pamahalaan kahit malakas ka pa at may kakayahan pang kumilos.
19➤
Paano nakatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkaalipin ng Pilipinas?
Itinuro ng mga kura na isa sa mga mabuting katangian ng Katoliko ay ang pagtitiis sa mga milagro ng santo.
Malaki ang impluwensiya nila sa relihiyon.
Natutong magdasal ng taimtim ang mga Pilipino
Natatakot ang mga tulisan sa mga gwardiya sibil kaya bihira ang krimeng nangyayari.
20➤
Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit sa halip na hintayin ng mga bata nang may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nila ito, maliban sa isa.
Binibihisan sila ng damit na pinatigas sa almirol at bagong sapatos na masakit sa paa kinatagalan
Isinisimba sila sa misa-mayor na matagal,maalinsangan sa loob ng simbahan.
Nagsisimba lang sila ayon sa kanilang kagustuhan.
Pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan para humalik ng kamay, umawit, sumayaw, at tumula para mabigyan ng aginaldo na kinukuha ng kanilang magulang.
21➤
Ano ang totoong kompletong pangalan ni Jose Rizal?
Jose Protacio Realonda Mercado y Alonzo Rizal
Jose Protacio Mercado
Jose Protacio
Jose Rizal
22➤
Bakit natuwa pa si Simon nang dakpin ng mga gwardiya sibil sa Tandang Selo?
Dahil alam niyang mag-aapoy sa galit si Kabesang Tales at mas mapadali ang paghimok niya rito para maghimagsik.
Dahil nakilala niya ang tunay na pagkalalaki ni Kabesang Tales
Hudyat ito sa binabalak niyang paghihimagsik.
Mas magagalit si Huli sa mga prayle.
23➤
Alin ang angkop na pagpapakahulugan sa salitang “diskriminasyon”.
Pantay na karapatan ng mga tao
Hindi pantay na pagtingin sa mga tao
mababang pagtingin sa mga mahihirap
mataas na pagtingin sa mga mayayaman
24➤
Naparusahan ang kutserong si Sinong dahil wala siyang dalang ______________.
lisensya
Permit
sedula
Birth Certificate
25➤
Bakit sinasadyang magpatalo sa baraha nina Pari Irene at Pari Sibyla?
Upang mabigyan ng higit na kasiyahan ang Kapitan Heneral
Upang mainis sina Pari Camorra sa kanila
upang mas mapalapit sila sa kapitan heneral
dahil hindi masyadong marunong maglaro ng baraha ang kapitan heneral
26➤
Si ____________ ay estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas na kumukuha ng Bachiller en Artes.
Juanito Pelaez
Placido Penitente
Macaraeg
Basilio
27➤
Ang kasulatan na pinapipirmahan kay Placido ay tungkol sa pagpapatayo ng _____ng Wikang Kastila.
Pamantasan
Unibersidad
Akademya
Hospital
28➤
Ang propesor na nag-insulto at nanlait kay Placido sa loob ng klase nila sa Pisika.
Pari Damaso
Pari Camorra
Pari Irene
Pari Millon
29➤
Ang bahay ni _________________ ay ipinalalagay na siyang tahanan ng mga mag-aaral.
Don Custodio
G. Pasta
Quiroga
Macaraig
30➤
Bakit tumanggi si G.Pasta na tumulong sa mga estudyante?
natatakot siya sa mga prayle
ayaw niyang makialam sa mga estudyante kaya’t kailangan niyang kumilos ng naaayon sa batas
maselan ang kanyang kalagayan at marami siyang pag-aari,
Natatakot siya baka pag-initan siya ng pamahalaan.
Submit
Your score is
Post a Comment
0 Comments
Featured Post
Quarter 1 DLL
DAILY LESSON LOGS (WEEK 2- Q1) AUGUST 5-9, 2024, FREE DOWNLOAD
Admin
August 03, 2024
K-12 Daily Lesson Logs (DLL’S) are useful and vital resource of our K-12 Teachers. Ba…
Popular Downloads
Daily Lesson Log
Kinder Lesson Exemplars (Quarter 1 Wk 1-10)
Grade 1 Lesson Exemplars (Quarter 1 Wk 1-10)
Grade 4 Lesson Exemplars (Quarter 1 Wk 1-10)
Grade 7 Lesson Exemplars (Quarter 1 Wk 1-10)
Popular Posts
FREE DOWNLOAD QUARTER 2 MELC-BASED DAILY LESSON LOG (DLL) FOR GRADE 5 SY 2022-2023
December 08, 2022
FREE DOWNLOAD QUARTER 2 MELC-BASED DAILY LESSON LOG (DLL) FOR GRADE 2 SY 2022-2023
December 08, 2022
FREE DOWNLOAD QUARTER 2 MELC-BASED DAILY LESSON LOG (DLL) FOR GRADE 6 SY 2022-2023
December 08, 2022
Categories
#walangpasok
e-Class REcord
Enhanced Teacher Induction Program (TIP) Course Books
Forms
Home Visitation Form
Individual Learner's Record
MATATAG Lesson Exemplars
Microsoft 365
NAT Grade 10
NAT Grade 6
Powerpoint Presentations
Quarter 1 Daily Lesson Log
Quarter 1 DLL
Reading Materials
Summative Tests
Teaching Guides
0 Comments